Hindi ko kailan man ninais ang mga ito. Dumating bigla ang mga bagay na kailanma'y di ko inakalang mailalapag sa aking mga kamay. Ninais ko bang lumigaya sa piling ng hinanakit? Sino ba ang gustong lumigaya nang higit pa sa kakayaning hapdi?
Ang puso ko'y tinuruan ko na. Ang isipan ko'y di kayang pigilan. Mapaglaro minsan ang mga ilusyon ng aking buhay. May nakapagsabi na bang mas makapangyarihan ang puso kesa sa isipan? O ito'y pantay lamang at pilit lang nang nating pinaghihiwalay ang kapangyarihan ng dalawa, o ng isa? May nakahihigit nga ba?
Heto nagagayak ako. Nagagayak akong mag-isip, sumulat at umasa. Ang dami pang nais kong nanaisin. Ang dami pang dapat ilathala. Darating man ang mga di inaasahan, di susuko ang isipan o ang pusong tanggapin ang anuman.
nagayak ako.
Monday, March 2, 2009
Subscribe to:
Comments (Atom)